PARA SA AYAW NG MAGKAANAK (PERMANENTE):
1. Bilateral Tubal Ligation (BTL) Para Sa Babae - Itinatali at pinuputol ang tubong dinadaanan ng itlog. - 99% mabisa, simple, mabilis at ligtas na pamamaraan. - Walang epekto sa pakikipagtalik ni misis. 2. No Scalpel Vasectomy (NVS) Para Sa Lalaki - Itinatali at pinuputol ang tubong dinadaanan ng punla ngh lalaki. - 99% mabisa , simple, mabilis at ligtas na pamamaraan. - Hindi nakakaa[ekto sa pakikipagtalik at pagkalalaki ni mister. PARA SA AYAW MUNANG MAGKAANAK (PANSAMANTALA): 1. Intra-Uterine Device (IUD) - Maliit at malambot na plastic na inilalagay sa matris ng babae. - 98% mabisa, simple at epektibo. Maaaring tumagal sa matris ng 8 hanggang 10 taon. - Walang epekto sa pagpapasuso at pakikipagtalik. - Salungat sa akala ng iba, hindi magiging sanhi ng abortion 2. DMPA Injectables - Isang ineksiyon lang bawat 3 buwan. - 98% mabisa, simple at epektibo. - Walang epekto sa pagpapasuso at pakikipagtalik 3. Pildoras (Pills) - 99% mabisa at walang epekto sa pakikipagtalik. Dalawang Uri ng Pildoras: - Combined Oral Contraceptives (COCs) - Iniiinom ng babae araw- araw. - Pinipigilan ang obulasyon (o ang paglabas ng hinog na itlog mula sa obaryo ng babae) - May sangkap na hormones (estrogen at progestin) na nag-iiwas sa pagbubuntis ng babae - Hindi angkop sa pagpapasuso - Progestin Only Pills (POPs) - Iniinom ng babae araw-araw - May sangkap na progestin at pinipigilan ang obulasyon ng babae - Angkop sa nagpapasuso dahil sa hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasunong ina 4. Condom - Isinusuot ng lalake sa kanyang ari bago tuloyang makipagtalik. - Mabisa kung tama ang pagsuot at pagtanggal nito. - Nakakatulong para makaiwas sa mga "sexually transmitted diseases tulad ng AIDS. - 97% mabisa sa tamang paggamit. MODERN NATURAL FAMILY PLANNING: 1. Lactation Amenorrhea Method (LAM) - Breastfeeding Method - Pumipigil sa obulasyon ng babae kung: 1. Tanging gatas ng ina lamang ang pinapasuso buong araw at gabi 2. Hindi pa muling bumabalik ang regla ng ina at wala pang anim na buwan ang sanggol - 98% mabisa sa tamang paggamit 2. Basal Body Temperature (BBT) - Thermometer Method - Sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang temperatura bago bumangon sa umaga, nalalaman siya ay mabunga at maaaring mabuntis kapag nakipagtalik. - Para sa mag-asawang may kakayahang hindi magtalik sa panahong mabunga ang babae. - 91% - 99% mabisa sa tamang paggamit. 3. Cervical Mucus - Inoobserbahan ng babae ang klase ng mucus na lumalabas sa kanyang puwerta upang malaman kung siya ay mabunga at maaaring mabuntis kapag nakipagtalik. - Para sa mag-asawang may kakayahang hindi magtalik sa panahong mabunga ang babae 91% - 99% mabisa sa tamang paggamit. 4. Sympto-Thermal - Tatlong bagay ang kailangang obserbahan ng babae upang malaman kung siya ay mabunga at maaaring mabuntis kapag nakipagtalik. Ito ay ang lumalabas na mucus sa kanyang puwerta; ang kanyang temperatura; at posisyon ng kanyang puwerta. - Para sa mag-asawang may kakayahang hindi magtalik sa panahong mabunga ang babae - 91% - 99% mabisa sa tamang paggamit.
0 Comments
Vaccinations are imperative to the health of your dogs and cats. These keeps your dogs and cats from getting sick.
HOW TO PREVENT ANIMAL RABIES 1. Have your dogs and cats vaccinated against rabies at 3 months of age, then every year thereafter. 2. Provide your pet with proper nutrition, enough care and attention. 3. Be sure to keep their cage clean and comfortable. 4. Keep your dog on leash and don't let them roam freely in the streets |
Archives
July 2020
|